Sunday, January 8, 2012

How to get a Korea Visa in the Philippines

K-Pop Invasion. Isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming Pinoy ang gustong pumunta at mamasyal sa bansang Korea. Ngunit isang bagay ang kinakailangan upang makapasok sa bansang Korea. Ito ay ang Korea Visa.
Hayaan niyo akong ibahagi sa inyo ang aking karanasan sa pagkuha ng Bisa sa Korea. Bago ang natakdang araw kinumpleto namen ang kailanganang papeles para sa pag apply ng visa.
REQUIREMENTS FOR TOURIST VISA TO KOREA
Ito ang mga papel na aking hinanda.
1.) Application form (with Passport size Picture)
2.) BIR Form 2316 (2010)
3.) Bank Certificate (Pesos and dollar account)
4.) Clearance Certificate from previous employer (dahil kakaresign ko lang)
5.) Photocopy of first page of passport
6.) Latest Passport 
Noong Disyembre 12, ako at ang aking kaibigan ay nagbalak kumuha ng Bisa para sa aming nalalapit na paglalakbay sa Korea. Dahil hindi kami pamilyar sa lugar nagdecide kami magtaxi pero sa kasawiang palad hindi din alam ng driver ang embassy (o baka nagoyo lang kami). So from three world building sa upper mckinley. Nilakad namen hanggang Korea embassy. At dahil wala pa kami picture ay nagdecide na lang kami mag greenhills at bumalik kinabukasan.
Pero hindi pwede si Monica kaya kinabukasan ako na lang ang nagbalik.


December 13, when I decided to go back to embassy to file my visa application. Hindi ganun kahaba ang pila at ang mga gwardiya ay friendly. To make this easier to understand I'll enumerate the steps.


1. Isulat ang pangalan at mag-iwan ng valid ID sa may harap ng embassy.
2. Pagpasok ng office sa kanang bahagi may malaking lamesa lumapit at humingi ng numero. (Tatanungin ka muna kung may visa ka na from OECD Countries)
3. Umupo at hinataying tawagin ang numero (magfflash sa taas ng windows ang number, kapag nag flash it means kayo na ang kasunod nun nakaupo sa window).
4. Ibigay sa Consul ang requirements. (sagutin ng tama kung may tanong ang consul)
5. Kunin ang iaabot na slip na naglalaman ng date kung kailan kukunin ang inyong visa.


In my case ganito ang nangyari. Pagpasok ko ng embassy binigyan ako ng numero. Hintay tawagin. Habang nakaupo double check ng mga requirements. Biglang tinawag ng guard by 10s ang number so pila. Pag-upo ko sa may window 2 inabot ko ang requirements ko at ibinalik nia ang car registration ko. Sabay tanong "So, you don't have a job?" ang sagot ko naman ay "No" sabay bigay ng white slip at babalik ako ng December 20.


So December 20 na ang releasing time is afternoon. Same process Nag-iwan ako ng ID sa gate at inspection ng bag habang naka smile si kuya sabay sabi sa akin "Manlibre ka ma'am for sure approve na visa mo". Buti pa si kuya positive ako hindi (dahil nga wala akong work). Binigay ko ang slip sa same table at binigyan ako ng numero. More hintay matawag ulit. Window 1 pangalawa ako sa pila (hindi naman ako masyadong excited). Pag bigay ko ng number ko sa consul tinanong nia ako kung ano pangalan ko sinabi ko naman at sabay inabot niya ang passport ko. Pag-scan ko ng passport tumambad na sa akin ang susi patungong South Korea. 


Abangan ang aking SOLO Trip sa SEOUL OF ASIA. (one of the best trip ever).














No comments:

Post a Comment